Pagpapasuri | Testing
On this page
Kung ikaw ay may mga sintomas na tila-trangkaso, mangyaring manatili sa bahay at tawagan ang Healthline nang libre sa 0800 358 5453 o ang iyong doktor para sa payo tungkol sa pagpapasuri. Tandaan, libre ang pagpapasuri.
Mahalagang matuklasan natin ang virus saanman ito naroroon sa komunidad. Ibig sabihin, hinihiling naming magpasuri ang sinumang may mga sintomas ng COVID-19, maging ikaw man ay mamamayan ng New Zealand, residente o bisita.
Libre ang pag papasuri at pangangalaga para sa COVID-19, at makukuha ito ng lahat sa New Zealand, kabilang ang mga taong narito na walang balidong visa.
Ang impormasyon mo ay hindi ibabahagi sa Immigration New Zealand, kahit na positibo ang iyong pagsusuri.
Hindi mo kailangan ng numero ng National Health Index (NHI) o magpakita ng ID upang magpa-test. Ngunit kailangan mong ibahagi sa mga gumagawa ng pagsusuri ang mga detalye kung saan maaari kang makontak upang maipaalam nila sa iyo ang mga resulta ng pagsusuri.
Saan ka maaaring magpasuri?
Madalas nababago ang mga lugar kung saan ka maaaring magpasuri. Ang pinakamabuting puntahan upang hanapin ang pinakabagong listahan ay ang inyong lokal na mga District Health Board at mga sangay ng Public Health.
Makikita mo ang impormasyon dito
North Island
- Mga lokasyon sa Northland para magpa-test (external link)
- Mga lokasyon sa Auckland para magpa-test (external link)
- Mga lokasyon sa Waikato para magpa-test (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Wellington at Kapiti Coast (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Hutt Valley (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Wairarapa (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Hawkes Bay (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Whakatane, Bay of Plenty, Rotorua at Taupo (external link) (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Mid Central (Otaki, Levin, Palmerston North, Fielding at Dannevirke) (external link) (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Tairāwhiti (Gisborne) (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Taranaki (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Waitematā (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Whanganui (external link)
South Island
- Mga lokasyon para magpa-test sa Canterbury (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Nelson-Marlborough (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa South Canterbury (external link)
- Mga lokasyon para magpa-test sa Southern (external link)
- (external link)Mga lokasyon para magpa-test sa West Coast (external link) (external link)
Paano ang paraan ng pagpapasuri
Kung kailangan mong magpasuri para sa COVID-19, isang sampol ang kukunin mula sa iyo.
May mahigit sa 1 paraan sa pagkuha ng sampol. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang pag-swab sa likuran ng iyong ilong. Ang swab ay mukhang maliit na cotton-bud, pero mas mahaba ang patpat.
Dadalhin sa lab ang sampol upang masuri. Maaaring magtagal ang mga resulta mula sa lab.
Kapag ikaw ay nagpasuri, sasabihan ka kung kailan at kung paano mo matatanggap ang mga resulta. Maging positibo man o negatibo ito, aabisuhan ka tungkol sa iyong mga resulta.
Kung ikaw ay nasa Auckland, dapat kang manatili sa bahay na nakabukod hanggang sa matanggap mo ang iyong mga resulta.
Karamihan sa mga taong nasa labas ng Auckland ay hindi kailangang magbukod ng sarili habang naghihintay sa resulta ng test — aabisuhan ka tungkol dito ng iyong medikal na propesyonal.
Hihilingan ka lamang na magbukod ng sarili kung ikaw ay:
- naglakbay kamakailan sa ibang bansa
- nagkaroon ng kontak sa isang tao na naglakbay kamakailan
- isang malapitang kontak ng isang tao na kumpirmadong may COVID-19.
Kung ikaw ay nagpasuri, dapat mong sundin ang ibinigay na payo sa iyo kung ano ang iyong susunod na gagawin.
Ano ang mangyayari kung positibo ang iyong pagpapasuri
Kung nagpositibo ang iyong pagpapasuri isang pangkalusugang propesyonal ang tatawag sa iyo upang talakayin kung ano ang ibig sabihin nito para sa iyo, kabilang ang:
- kung gaano katagal kailangan mong manatiling nakabukod
- ang mga kaayusan sa pagbukod para sa iyo at sa iyong sambahayan na mga kontak
- lahat ng mga tao na nakakontak mo kamakailan
Hihilingin kang pumunta sa isang pasilidad ng pamahalaan habang ikaw ay may sakit. Ito ay upang mas maging madaling suportahan ang mga pamilya at mababawasan ang tsansa ng pagkalat ng virus. Tutulong ito na panatilihing ligtas mula sa COVID-19 ang iyong pamilya at ang komunidad.
Kung ang isang bata o ang kanyang magulang o tagapag-alaga ay nagkaroon ng COVID-19 at kailangang mag-quarantine, tutulong kaming tiyakin na ang mga bata ay mananatiling ligtas sa pangangalaga ng kanilang magulang o tagapag-alaga.
Malaya kang makakaalis sa sandaling ikaw ay magaling na.