Pamumuhay sa Level 1 | Living at Level 1
On this page
Nasa paligid pa rin ang COVID-19
Lahat ng taga-New Zealand ay kailangang:
- Madalas na maghugas at patuyuin ang iyong mga kamay upang patayin ang virus. Gumamit ng sabon at tubig nang mga 20 segundo. Patuyuin nang mabuti.
- Takpan ang pag-ubo at pagbahing, halimbawa sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing sa iyong braso.
- Kung ikaw ay may mga sintomas ng sipon o trangkaso, manatili sa bahay, tawagan ang iyong doktor o Healthline at kumuha ng payo tungkol sa pagpapa-test. Huwag magbiyahe, pumasok sa paaralan o sa trabaho.
- Tandaan kung saan ka nagpunta at sino ang iyong nakasalamuha. Gamitin ang NZ COVID Tracer app, isang buklet na COVID-19 tracer o mga tala.
Payo tungkol sa contact tracing
Payo tungkol sa virus at ang mga sintomas nito
Mga panakip sa mukha
Ang mga panakip sa mukha ay tumutulong na panatilihing kang ligtas at ang ibang tao at nagbibigay sa iyo ng karagdagang proteksyon kapag may kaunti lamang o walang pisikal na pagdistansya ang mga tao, halimbawa, sa pampublikong sasakyan at sa mga pamilihan.
Sa Alert Level 1, karamihan sa mga tao ay kinakailangang magsuot ng panakip sa mukha kapag naglalakbay sa pangdomestikong eroplano saanman sa New Zealand. Hindi kabilang dito ang mga pagbiyahe sa mga pribadong eroplano.
Kinakailangan ding magsuot ng mga panakip sa mukha sa lahat ng pampublikong sasakyan papunta, pabalik, at pagdaan sa Auckland. Kabilang dito ang mga tren, bus, at ferry at ang mga nagmamaneho ng maliliit na pampasaherong mga sasakyan gaya ng mga taksi at Uber. Kabilang din dito ang mga bus at tren na naglalakbay nang malayuan.
Sa labas ng Auckland, lubos na inirerekomenda, ngunit hindi ipinag-uutos, na magsuot ka ng mask o panakip sa mukha kapag nasa mga kulob na lugar kabilang ang pampublikong sasakyan.
May ilang mga tao na exempt mula sa pagsusuot ng mga panakip sa mukha, halimbawa, ang mga tao na may mga kalagayang medikal.
Payo at mga exemption para sa pagsusuot ng mga mask at panakip sa mukha
Mga pagtitipon
Walang mga paghihigpit tungkol sa mga pagtitipon. Kabilang dito ang mga libing, kasal, mga pagtitipong pangrelihiyon at pangkomunidad, isport at paglilibang.
Magpanatili ng iyong distansya
Sa Alert Level 1, ang COVID-19 ay napigilan. Magandang ideya pa rin ang magpanatili ng ligtas na distansya sa mga taong hindi mo kilala habang ikaw ay nasa labas at naglilibot. Tutulong itong pabagalin ang pagkalat ng COVID-19 kung may mga kasong lilitaw sa komunidad.
Trabaho at negosyo
Ang mga negosyo at mga lugar ng trabaho ay maaaring patakbuhin gaya ng karaniwan. Dapat silang magdispley ng NZ COVID Tracer QR code at magbigay ng alternatibong mga sistema ng contact tracing sa bawat lugar.
Pagbiyahe at transportasyon
Ang mga pampublikong sasakyan ay dapat magdispley ng QR codes para sa contact tracing.
Kung ikaw ay may sakit, tawagan ang iyong doktor o Healthline para sa payo tungkol sa pagpapa-test bago ka magbiyahe. Manatili sa bahay at magpa-test kapag hinilingan kang gawin ito.
Edukasyon
Ang mga paaralan, mga serbisyong early learning at edukasyong pandalubhasaan ay makakapagbukas gaya ng karaniwan. Ligtas na papasukin sa paaralan ang mga bata.
Pagkuha ng tamang impormasyon
Kung minsan, ang impormasyon ay sadyang inilalathala upang bigyan ng maling impormasyon o linlangin ang mga tao. Ito ay makakasira sa atin sa panahong kailangan nating magtulungan upang labanan ang virus.
Payo tungkol sa pagkuha ng tamang impormasyon
Mga paghihigpit sa border (hangganan)
Ang COVID-19 ay hindi pa rin kontrolado sa ibang bansa. Ang mga hakbang natin sa ating border ay paiiralin pa rin upang mabawasan ang panganib na makapasok ang COVID-19 mula sa ibang bansa.
Ang mga taong darating sa New Zealand ay dapat pumunta sa isang pinamamahalaang pasilidad ng pagbubukod maliban kung sila ay ginawaran ng exemption (iksemsyon). Kung sila ay ginawaran ng exemption, dapat pa rin silang magbukod ng sarili.
Ang mga manggagawa sa pinamamahalaang mga pasilidad ng pagbubukod at kuwarentena, at ang mga may tungkuling nasa mas mataas na panganib sa border ay regular na nagpapa-test para sa COVID-19.
Last updated: