Karagdagang mga pagsusuri para sa COVID-19 para sa nagbabalik na mga manlalakbay galing sa mga bansang may mas malalaking panganib | Additional COVID-19 tests for returnees from higher-risk countries
On this page
Pagsusuri bago umalis para sa mga dumarating galing sa UK at USA
Ang pagpapanatili ng virus sa labas ng bansa ang ating pinakamahusay na proteksyon.
Mula 11:59pm sa 15 Enero 2021, lahat ng mga manlalakbay na manggagaling sa UK at USA ay kakailanganing magkaroon ng resulta ng pagsusuring RT-PCR para sa COVID-19, na nagpapakita ng negatibong resulta 72 oras bago sila lumisan at kailangang magpakita ng sertipiko mula sa laboratoryo o iba pang aprubadong anyo ng katunayan.
Isinasagawa rin sa kasalukuyan ang kaparehong mga hakbang para sa mga manlalakbay na nagbibiyahe sa eroplano nang pang-malayuan patungo sa New Zealand.
Lahat ng mga bumabalik na manlalakbay ay kailangan pa ring sumailalim sa ating 14 na araw na proseso ng pinamamahalaang pagbubukod at kuwarentena pagdating nila sa New Zealand. Ito ay tutulong sa atin na maunahan ang pandaigdigang muling paglitaw ng COVID-19 at mabawasan ang panganib ng pagkalat ng COVID-19 sa panahon ng pag-transit at pagpasok sa ating mga pasilidad ng pinamahalaang pagbubukod.
Ipinag-uutos ang mga pagsusuri sa day 0 para sa mga tao na maglalakbay patungo sa New Zealand mula sa mga bansa na may malaking panganib
Mula 11:59pm sa 31 Disyembre 2020, sinumang darating sa New Zealand mula sa UK o USA ay kakailanganing:
- magpasuri para sa COVID-19 sa day 0, ibig sabihin, sa unang pagpasok nila sa pinamamahalaang pagbubukod
- manatili sa kanilang kwarto hanggang sa makumpleto ang pagsusuring iyon
- kung asymptomatic sila sa pagdating, sila ay diretsong pupunta sa isang pasilidad ng kuwarentena.
Ito ay karagdagang hakbang na magbibigay ng isa pang suson ng proteksyon para sa New Zealand laban sa COVID-19 at sa bagong mga uri (variant) ng virus na lumitaw sa ibang bansa at ang potensyal ng mga ito na kumalat nang mas mabilis.
Ito ay kapareho ng PCR nasal swab na kasalukuyang tinatanggap ng mga tao.
Ang mga resulta ng pagsusuri ay karaniwang malalaman sa loob ng 24-48 oras.
Kung negatibo ang pagsusuri, kukumpletuhin ng mga tao ang natitira sa kanilang 14 na araw sa pinamamahalaang pagbubukod gaya ng karaniwang nangyayari. Sila ay kakailanganing sumailalim ng karagdagang pagsusuri sa day 3 ng kanilang pananatili at uulitin ito sa day 12. Sa halos lahat ng mga kaso, kakailanganin ang negatibong resulta ng pagsusuri para sa COVID-19 at kumpirmasyon mula sa ating pangkat-pangkalusugan na mababa ang panganib na sila ay magkaroon o magkalat ng COVID-19 bago sila mapapalabas sa pasilidad.
Kung positibo ang resulta, ililipat ang tao sa pasilidad ng kuwarentena, nang mas maaga kaysa sa mangyayari kung walang pagsusuri sa day 0.
Karagdagang impormasyon
Para sa pinakabagong mga update tungkol sa COVID-19, mangyaring bisitahin ang https://covid19.govt.nz/updates-and-resources/translations/
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pinamamahalaang pagbubukod at kuwarentena, mangyaring bisitahin ang
https://www.miq.govt.nz/travel-to-new-zealand/arriving-in-nz/ (external link)
Last updated: