Paglalakbay patungong New Zealand | Travelling to New Zealand
Tungkol sa paglalakbay patungong New Zealand
Upang maglakbay patungong New Zealand, kailangang matugunan mo ang ilang mga kahingian.
Ang mga hakbang sa ibaba ay magpapaliwanag kung anong ebidensya ang iyong kailangang ibigay upang makapasok sa New Zealand.
Hindi mo na kailangan ng pagsusuri bago magbiyahe (pre-departure test) para makapaglakbay patungong New Zealand. Hindi mo rin kailangang magpabakuna, o magpasuri pagdating sa New Zealand.
Ang mga tuntunin ay maaaring magbago nang mabilis - bibigyan ka ng Immigration New Zealand ng pinakabagong impormasyon.
Paglalakbay patungong New Zealand | Immigration New Zealand (external link)
1. Alamin kung maaari kang makapunta sa New Zealand
Upang makapaglakbay patungong New Zealand, dapat mong matugunan ang lahat ng mga kahingian ng Imigrasyon.
Bago maglakbay, tiyaking balido ang iyong pasaporte. Maaaring kailangan mo ring mag-aplay para sa New Zealand Electronic Travel Authority (NZeTA).
Alamin kung ikaw ay marapat na maglakbay patungong New Zealand | immigration.govt.nz (external link)
Mag-aplay para sa NZeTA | immigration.govt.nz (external link)
2. Mag-book ng iyong paglalakbay
Mag-book ng iyong paglalakbay patungong New Zealand.
Alamin ang polisiya ng carrier tungkol sa pagbabakuna, kanselasyon at pagsasauli ng ibinayad sakaling kailangang baguhin ang iyong mga plano.
Dapat mo ring pag-isipan ang pagbili ng seguro sa paglalakbay sakaling maapektuhan ang mga plano mo sa paglalakbay. Dapat mo ring pag-isipan ang pag-book ng angkop na akomodasyon para sa pagbubukod ng sarili, sakaling kailanganin ito.
3. Sa airport
Kung natutukoy, kakailanganin mo ang iyong:
- pasaporte
- visa - kung kinakailangan
- tiket para sa iyong paglalakbay
4. Pagdating sa New Zealand
Beberipikahin ng Customs ang iyong kasaysayan ng paglalakbay at iba pang mga kahingian sa pagpasok. Asahan ang kaunting pagkaantala sa pag-transit mo sa airport.
May makokolektang mga Welcome pack (Pansalubong na pakete). Kabilang sa iyong welcome pack ang:
- mga rapid antigen test (RAT)
- gabay sa pagsusuri at pag-upload ng iyong mga resulta.
Inirerekomenda namin na kumpletuhin mo ang iyong mga pagsusuri at i-upload ang iyong mga resulta.
Last updated: at