Pag-alis sa New Zealand | Leaving New Zealand
Magplano bago ka maglakbay
Bago maglakbay sa ibang bansa, inirerekomenda naming tingnan mo ang mga kahingian ng bansang patutunguhan mo. Tingnan:
- ang opisyal na website ng bansang nais mong pasukan o mag-transit, o
- ang kinatawang diplomatiko ng bansa sa New Zealand.
Maraming mga bansa ang nag-aatas sa mga manlalakbay na magbukod ng sarili pagdating nila, magpakita ng patunay ng pagbabakuna o may negatibong resulta ng pagsusuri para sa COVID-19 bago sila maglakbay.
Magrehistro sa SafeTravel. Kung magpaparehistro ka, tatanggap ka ng abiso ng anumang mga pagbabago sa payo sa paglalakbay.
Magrehistro ng iyong mga detalye sa SafeTravel (external link)
International Travel Vaccination Certificate (Sertipiko ng Pagbabakuna para sa Internasyonal na Paglalakbay)
Sinumang 12 taong gulang pataas na nabigyan na ng anumang dosis ng bakuna laban sa COVID-19 na ibinigay sa New Zealand ay makakahiling na ngayon ng isang International Travel Vaccination Certificate.
Ang paghiling ng iyong certificate ay tatagal lang nang 1-2 minuto at ipapadala sa iyong email sa loob ng 24 na oras. Maaari mong makuha ang iyong Certificate sa pamamagitan ng My Covid Record. Kung hindi mo ma-access ang serbisyong ito, tumawag sa 0800 222 478.
Alamin ang tungkol sa mga International Travel Vaccination Certificate
Pre-departure test (pagsusuri bago umalis) kung aalis ka sa NZ
Kinakailangan sa ilang bansa na ang mga manlalakbay ay may negatibong resulta ng pagsusuri para sa COVID-19 bago sila umalis.
Tingnan ang mga kahingian sa bansang iyong patutunguhan sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang lokal na high commission, embahada o konsulado sa New Zealand.
Karagdagang payo sa paglalakbay mula sa Ministri ng Kalusugan (external link)
Last updated: at