Kung nagkakaroon ka ng mga sintomas ng COVID-19 habang bumibisita sa New Zealand | If you develop COVID-19 symptoms while visiting New Zealand

Alamin ang kailangan mong gawin kung magkaroon ka ng mga sintomas habang bumibisita sa New Zealand.

Pagdating sa New Zealand, inirerekomenda namin na magsuri ka para sa COVID-19 kung ikaw ay mayroong mga sintomas. Dapat kang magbukod nang 7 araw kung ikaw ay nagpositibo. Pagdating mo, may mga Welcome Pack na may mga rapid antigen test kit na makokolekta sa Biosecurity.

Malalaman mo sa ibaba ang dapat mong gawin kung ikaw ay magkakaroon ng mga sintomas ng COVID-19.

Magpasuri

Kung ikaw ay may mga sintomas ng COVID-19, maaari kang humiling ng mga libreng RAT sa pamamagitan ng pag-order sa online at pagkolekta ng mga ito mula sa lugar ng koleksyon.

Humiling ng libreng RAT (external link)

Hanapin ang lugar ng koleksyon ng COVID-19 Testing na malapit sa inyo | Healthpoint (external link)

Kung wala kang mga sintomas pero gusto mo pa ring kumuha ng RAT, kailangan mong bumili ng iyong sariling mga test mula sa mga mabibilhan tulad ng ilang mga tindahan, botika o supermarket.

Paano ang paggamit ng rapid antigen test

Kung ikaw ay nagpositibo

Kung nagpositibo ka, tumawag sa 0800 222 478 para iulat ang iyong positibong resulta ng RAT.

Kung mayroon kang balidong numero ng mobile phone, magpapadala ang Ministry of Health ng text mula sa opisyal na mga numero na 2328 o 2648 na nagkukumpirma ng iyong positibong resulta. Ang text na ito ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa pagbubukod ng sarili at sa access code para sa online na form ng contact tracing.

Kailangan mong pumunta sa isang sentro ng pagsusuri (testing centre) at kumuha ng PCR test kasunod ng iyong positibong RAT. Isang form ang ipapadala sa iyo sa email na maaari mong i-print o ipakita bilang digital copy sa testing centre.

Hanapin ang testing centre na pinakamalapit sa inyo | Healthpoint (external link)

1. Magbukod ng sarili

Responsibilidad mong humanap ng lugar para magbukod ng sarili

Dapat kang magbukod nang mga 7 araw habang ikaw ay nagpapagaling. Ang iyong 7 araw ay magsisimula mula sa petsa kung kailan ka nagkaroon ng mga sintomas o sa petsa kung kailan ka nagpositibo (alinman ang nauna). Kung hindi ka susunod, maaari kang pagmultahin.

Dapat kang magbukod sa kinaroroonan mo o maghanap ng alternatibong akomodasyon.

Tingnan kung maaari mong palawigin ang iyong kasalukuyang booking o maghandang humanap ng alternatibong akomodasyon. Inaasahang sasagutin mo ang mga karagdagang gastos na nauugnay sa pagpapalawig ng iyong pamamalagi o pag-book ng alternatibong akomodasyon. Suriin ang polisiya ng iyong seguro sa paglalakbay upang malaman kung ikaw ay nakaseguro.

Sino ang kailangang magbukod?

Hindi kailangang magbukod ng mga taong kasambahay mo. Inirerekomendang magsuri sila araw-araw sa loob ng 5 araw. Kung sila ay nagpositibo, kailangan nilang sundin ang lahat ng mga tuntunin sa pagbubukod ng sarili.

Kung hindi ka maaaring manatili sa iyong akomodasyon

Kung hindi ka maaaring manatili sa iyong kasalukuyang akomodasyon, dapat kang maghanap ng alternatibong akomodasyon. Ang mga akomodasyon sa pagbukod ng sarili ay maaaring mga self-contained na motel, hotel, o campervan. Ito ay dapat na:

  • malapit sa kinaroroonan mo
  • walang pinagsasaluhang pasilidad ng mga guest.

Hindi ka maaaring:

  • sumakay ng eroplanong pang-komersyo papunta sa iyong akomodasyon
  • magmaneho ng mahabang distansya na mangangailangan ng magdamag na akomodasyon
  • sumakay sa inter-island ferry o pampublikong sasakyan.

Maaaring gamitin ang pribadong sasakyan sa paglalakbay sa iyong alternatibong akomodasyon. Maaaring ito ay sarili mong sasakyan, o maaari kang mag-arkila ng sasakyan kung magagawa ito gamit ang sistema ng pagbabayad at pangongolekta na walang contact (contactless payment and collection system).

Muling mag-iskedyul o kanselahin ang iyong mga plano

Makipag-ugnayan sa iyong ahensya ng eroplano o turismo or upang muling mag-iskedyul ng mga plano o aktibidad sa paglalakbay. Pakitandaan, walang ligal na obligasyon ang ahensya na magsauli ng ibinayad o muling mag-iskedyul ng iyong mga plano. 

Ang dapat gawin kapag nagbubukod ng sarili

Habang nagbubukod ng sarili:

  • Iwasan ang anumang contact sa mga taong kasama mo sa bahay, halimbawa, matulog nang mag-isa, limitahan ang oras na ginugugol mo sa mga pinagsasaluhang lugar. Kung hindi mo magagawa ito, dapat kang magdistansya sa kanila nang mga 2 metro at magsuot ng face mask na tumatakip sa iyong ilong at bibig kapag malapit ka sa ibang tao.
  • Labhan ang sarili mong labada.
  • Regular na linisin ang mga ibabaw ng bagay, kabilang ang mga bagay na madalas hawakan, tulad ng mga hawakan ng pinto, switch ng ilaw, telepono.
  • Buksan ang mga bintana upang lalong dumaloy ang sariwang hangin sa loob.
  • Magpahatid ng mga bagay, tulad ng pagkain at gamot.
  • Magtrabaho mula sa iyong akomodasyon kung magagawa mo ito.

Habang nagbubukod ng sarili, huwag:

  • umalis sa iyong akomodasyon para sa anumang dahilan (maliban kung para sa isa sa mga pinahihintulutang dahilan sa ibaba)
  • lumabas para kumuha ng pagkain at gamot
  • makipagsalo ng mga bagay sa iba sa iyong sambahayan — halimbawa, mga pinggan, toothbrush, at tuwalya
  • pumunta sa mga pampublikong lugar
  • gumamit ng pampublikong sasakyan o mga taxi at rideshare na sasakyan
  • tumanggap ng mga bisita, maliban sa mga taong magbibigay ng mahalagang pangangalaga sa iyo o sa isang tao sa sambahayan.

Mga pinahihintulutang dahilan para umalis sa iyong lugar ng pagbubukod ng sarili

Maaari kang umalis sa iyong akomodasyon kung palagi kang nakasuot ng face mask para:

  • pumunta at sumailalim sa anumang medikal ng pagsusuri at test na kailangan
  • tumanggap ng mahalagang mga serbisyong pangkalusugan para sa paggamot na hindi maipagpapaliban hanggang matapos ang panahon ng iyong pagbubukod ng sarili
  • lumipat sa ibang lugar ng pagbubukod ng sarili upang pangalagaan ang buhay, kalusugan, o kaligtasan ng iyong sarili o ng ibang tao 
  • mag-ehersisyo sa labas sa kapitbahayan kung saan ka tumutuloy – huwag gumamit ng anumang pinagsasaluhang pasilidad ng pag-eehersisyo, gaya ng swimming pool
  • bumisita sa isang kamag-anak na malapit nang mamatay na hindi inaasahang mabubuhay pa lampas sa panahon ng iyong pagbubukod ng sarili 
  • bumisita sa namatay na kamag-anak bago siya ilibing o tangihanga kung hindi ka makakabisita makaraan ang panahon ng iyong pagbubukod ng sarili.

2. Contact tracing

Ipaalam sa mga tao na mayroon kang COVID-19

Ipaalam na mayroon kang COVID-19 sa mga taong kasama mo sa bahay, sa provider ng iyong akomodasyon, sa mga taong nakahalubilo mo, at sa iba pang malalapit na contact.

Paano sasabihin sa mga tao na mayroon kang COVID-19 | covid19.health.nz (external link)

Punan ang online contact tracing form

Kumpletuhin ang contact tracing form ng Ministry of Health gamit ang 6 na numerong access code na natanggap mo sa text message mula sa opisyal na mga numero na 2328 o 2648. Aabutin ito ng 5 hanggang 10 minuto para makumpleto. 

Kumpletuhin ang contact tracing form | Ministri ng Kalusugan (external link)

3. Pagkuha ng suporta

Kung kailangan mo ng pagkain o gamot

Kung kailangan mo ng pagkain o mahahalagang supply habang nagbubukod ng sarili, hilingin sa pamilya o mga kaibigan na ihatid ang mga ito sa iyo. Maaari ka ring mag-order ng mga supply sa online at ipahatid nang walang contact.

Kung kailangan mo ng payo sa kalusugan

Kung kailangan mo ng payo kung paano gagamutin ang iyong mga sintomas o kung may lumalalang sintomas, tawagan ang Healthline. Maaari kang humiling ng serbisyo ng interpreter.

Kung kailangan mo ng medikal na tulong

Maaaring kailangan mong magbayad para sa medikal na paggamot. Hinihikayat namin ang mga bisita na bumili ng komprehensibong seguro sa paglalakbay bago maglakbay.

Kung ikaw ay isang Mamamayan o Permanenteng Residente ng Australya o ikaw ay isang mamamayan ng United Kingdom, mayroong katumbas na kasunduan sa kalusugan na nangangahulugang babayaran mo ang halagang binabayaran ng New Zealand para sa pangangalagang pangkalusugan.

Maaaring makatulong ang inyong Embahada

Pag-isipang makipag-ugnayan sa inyong Embahada, Konsulado o High Commission kung pupunta ka sa ospital o nangangailangan ng tulong ng konsulado.

Mga dayuhang embahada sa NZ | Ministri ng Ugnayang Panlabas at Kalakalan (external link)

Sa isang emerhensya

Kung kailangan mo ng agarang tulong na medikal, tumawag kaagad sa 111. Sabihin sa kanila na mayroon kang COVID-19 sa iyong pagtawag. Maaaring kabilang dito kung ikaw o ang isang taong inaalagaan mo ay:

  • nahihirapang huminga
  • may matinding pananakit ng dibdib
  • nanghihina o nawalan ng malay.

4. Pagtatapos sa pagbubukod ng sarili

Maaari mong tapusin ang iyong pagbubukod ng sarili pagkatapos ng 7 araw

Kung masama pa rin ang iyong pakiramdam, manatili sa iyong akomodasyon hanggang 24 na oras kung wala ka nang mga sintomas. 

Hindi mo kailangang hintayin ang opisyal na mensahe para umalis sa pagbubukod ng sarili.

Kung mo kailangang masuri - ang resulta ay malamang na positibo ngunit hindi ito nangangahulugan na ikaw ay nakakahawa.

Pagkatapos mong gumaling

Pagkatapos mong gumaling mula sa COVID-19 at umalis sa pagbubukod ng sarili, may ilang bagay na dapat mong gawin at alalahanin sa iyong paggaling.

Pagkatapos mong magkaroon ng COVID-19

Bago ka maglakbay pauwi o sa ibang destinasyon

Alamin kung kailangan mong magnegatibo sa pagsusuri para sa COVID-19, o kung kailangan mo ng sertipikong medikal na nagkukumpirmang gumaling ka na bago ka maglakbay. Kung gumaling ka kamakailan mula sa COVID-19, maaaring magpakita ng positibong resulta ang iyong pagsusuri.  

Kung negatibo ang iyong pagsusuri

Kung negatibo ang iyong pagsusuri pero may mga sintomas ng COVID-19, manatili sa bahay, at kumuha ng isa pang RAT makalipas ang 48 oras. Kung lumala ang iyong mga sintomas, tawagan ang Healthline sa:

Posible para sa isang taong may COVID-19 na magkaroon ng negatibong resulta ng RAT. Ito ay maaaring dahil sa walang sapat na virus sa sample, o dahil ang pagsusuri ay hindi naisagawa nang tama.

Last updated: at