Saan inirerekomenda ang pagsusuot ng mga face mask
Ang pagsusuot ng mask ay isang mahalagang paraan sa paghadlang natin sa pagkalat ng COVID-19 at iba pang mga sakit ng respiratoryo sa mga kapaligirang pangkalusugan at pangkapansanang pangangalaga.
Inirerekomenda namin na magsuot ka ng face mask kapag bumibisita sa mga serbisyo ng pangkalusugang pangangalaga, gaya ng mga ospital, klinika ng doktor, botika, at dentista.
Ang mga tagapagbigay ng pangkalusugang pangangalaga ay maaaring:
- hilinging ikaw ay magsuot ng mask sa mga partikular na sitwasyon o lokasyon upang protektahan ang mga taong nasa mas mataas na panganib ng malubhang pagkakasakit dulot ng COVID-19.
- Patuloy na hilinging magsuot ng mask ang lahat ng mga kawani o bisita sa loob ng kanilang pasilidad.
- Atasan ang pagsusuot ng mask upang makasunod sa mga obligasyon sa Kalusugan at Kaligtasan.
Lalong mahalaga ang pagsusuot ng face mask kapag bumibisita sa mga taong nasa mas mataas na panganib na magkasakit nang malubha. Kabilang dito ang mga taong matatanda at kaumātua, mga sanggol, taong nakatira sa mga pasilidad ng pangangalaga ng matatanda, may sakit/may karamdamang mga pasyente sa ospital, mga taong may iba pang mga kondisyong pangkalusugan at mga taong may kapansanan.
Kung ikaw ay nakakahawa at kailangan mong magpatingin o bumisita sa isang tagapagbigay ng pangkalusugang pangangalaga para kumuha ng medikal na pangangalaga para sa iyong sarili, ang face mask na husto ang pagkalapat ay maaaring makapigil na maikalat sa ibang tao ang mga nakakahawang maliliit na butil, pinoprotektahan ang mga taong nasa paligid mo at tutulong na mabawasan ang panganib na sila ay mahawahan.
Saan inirerekomenda ang pagsusuot ng mga face mask
Hinihimok ka naming magsuot ng face mask kung ikaw ay:
- isang Sambahayang Contact at nagsasagawa ng arawang pagsusuri sa loob ng 5 araw
- nasa mas mataas na panganib na magkasakit nang malubha mula sa COVID-19
- gustung-gustong mabawasan ang iyong panganib na magkasakit.
Hinihikayat ka rin naming magsuot ng face mask sa mga lugar na ito:
- pampublikong sasakyan, kabilang ang mga bus, pampasaherong tren, sa loob ng mga ferry, eroplano, taksi at ride-share
- Mga lugar na may maraming-maraming mga tao
- kulob na mga lugar na walang mahusay na bentilasyon
- kapaligirang may malapitang kontak, gaya ng harapang pakikipag-usap.
Sa ilang mga lugar ay maaari ka pa ring hilingang magsuot ng face mask. Ito ay desisyon nila at hindi na isang kahingian ng pamahalaan.
Mga libreng face mask
Maaari kang makakuha ng mga libreng face mask kapag kumukolekta ka ng mga libreng rapid antigen test (mga RAT) mula sa mga kalahok na lugar ng koleksyon. Hindi kailangang ikaw ay may sakit o may mga sintomas ng COVID-19.
Humanap sa Healthpoint ng lugar ng koleksyon na malapit sa inyo.
Humanap ng lugar ng bakunahan na nag-aalok ng mga libreng face mask | Healthpoint (external link)
Kung ikaw ay nasa mas mataas na panganib ng malubhang pagkakasakit, maaari kang makakuha ng mga libreng P2/N95 na face mask.
Mga taong nasa mas mataas na panganib ng malubhang pagkakasakit ng COVID-19
Last updated: at