Tagalog

Impormasyon sa wikang Tagalog tungkol sa pagtugon ng New Zealand laban sa COVID-19.

Ang kailangan mong malaman at gawin

Manatili sa bahay kung masama ang iyong pakiramdam. Kung ikaw, o ang isang tao sa iyong sambahayan ay magkaroon ng 1 o mahigit pa ng mga sumusunod na sintomas, dapat kang magsagawa ng rapid antigen test (RAT):

  • tumutulong sipon
  • masakit na lalamunan
  • ubo
  • lagnat
  • pagsusuka
  • pagtatae
  • sakit ng ulo
  • kawalan ng pang-amoy o panlasa
  • pangangapos ng hininga.

Mahalagang tiyakin na may sapat kang mga RAT sa bahay sakaling sumama ang pakiramdam ng sinuman sa sambahayan at mangailangang magpahinga. Mananatiling libre ang mga RAT para sa lahat sa kabuuan ng 2023. Maaari mong alamin ang mga kalahok na lugar para sa pagkolekta ng mga RAT at mask sa website ng Healthpoint, o  tumawag sa 0800 222 478 at piliin ang option 1.

Pagsusuri para sa COVID-19

Tandaang iulat ang resulta ng iyong RAT sa My Covid Record, o tawagan ang helpline sa 0800 222 478 at piliin ang option 1, para maikonekta ka sa anumang tulong o suporta na maaaring kailanganin mo.

My Covid Record (external link)

Pagbukod

Ang pagbukod (isolation) ay mahalagang paraan ng pagpigil sa pagkalat ng virus.

Kung nagpositibo ka sa COVID-19, inirerekomenda namin na magbukod ka nang 5 araw, kahit na banayad lamang ang iyong mga sintomas. Simulan ang iyong pagbubukod mula sa araw kung kailan nagsimula ang iyong mga sintomas o kung kailan ka nagpositibo, alinman ang nauna. Nangangahulugan ito na hindi ka dapat pumasok sa trabaho o paaralan.

Paano ang pagbubukod ng sarili

Kung kailangan mong umalis ng bahay sa loob ng 5 araw na ito, napakahalaga na mag-ingat ka na hindi maikalat ang COVID-19 sa ibang tao.  Dapat kang magsuot ng mask tuwing aalis ka ng bahay.  Hindi ka dapat:

  • bumisita sa isang pasilidad ng pangkalusugang pangangalaga (maliban kung kukuha ng medikal na pangangalaga)
  • bumisita sa pasilidad ng pangangalaga para sa matatanda
  • magkaroon ng kontak sa sinumang nanganganib na magkaroon ng malubhang COVID-19.

Dapat mong talakayin sa iyong tagapag-empleyo ang pagbalik mo sa trabaho o talakayin sa punong-guro ng paaralan ang pagbalik sa paaralan ng iyong anak. Ang iyong tagapag-empleyo o paaralan ay maaaring mangailangan ng karagdagang pag-iingat.

Kung nawala na ang iyong mga sintomas at mabuti na ang iyong pakiramdam, maaari mo nang gawing muli ang iyong mga normal na aktibidad. Dahil mananatili kang nakakahawa nang hanggang 10 araw, inirerekomenda namin na magsuot ka ng mask kung kailangan mong bumisita sa:

  • isang pasilidad ng pangkalusugang pangangalaga (maliban kung kukuha ng medikal na pangangalaga)
  • isang pasilidad ng pangangalaga para sa matatanda
  • sinumang nanganganib na magkasakit nang malubha sa COVID-19.

Mga face mask

Ang pagsusuot ng mask ay nananatiling isang mahalagang paraan sa paghadlang natin sa pagkalat ng mga sakit sa respiratoryo, kabilang ang COVID-19, lalo na sa mga kapaligiran ng pangangalaga sa kalusugan at kapansanan.

Inirerekomenda na ikaw ay magsuot ng face mask kapag bumibisita sa mga serbisyo ng pangkalusugang pangangalaga.

Mangyaring igalang ang patakaran ng pasilidad ng pangkalusugang pangangalaga/ospital hinggil sa pagsusuot ng mask kapag bumibisita, maaaring hilingan kang magsuot ng mask sa mga partikular na sitwasyon o lokasyon sa loob ng isang pasilidad ng pangkalusugang pangangalaga upang protektahan ang mga taong nasa mas mataas na panganib.

Pagsusuot ng face mask

May makukuhang mga libreng mask at RAT mula sa mga kalahok na lugar ng koleksyon.

Hanapin ang sentro ng koleksyon na malapit sa inyo | Healthpoint (external link)

Mga Sambahayang Contact

Kung ikaw, o isang miyembro ng sambahayan, ay nagpositibo sa COVID-19, ang ibang taong nakatira na kasama mo ay nasa mas mataas na panganib din na mahawahan. Inirerekomenda namin na lahat ng mga sambahayang contact ay patuloy na magsagawa ng pagsusuring RAT mula sa araw kung kailan nagpositibo ang taong may COVID-19.

ikaw ay itinuturing na sambahayang contact kung kasambahay ka, o gumugol ng 1 gabi o araw man lamang (mahigit sa 8 oras) kasama ang isang taong may COVID-19.  Dapat magsagawa ng RAT test ang mga sambahayang contact kada araw sa loob ng 5 araw.

Mga Sambahayang Contact

Last updated: at